Ipinanganak sya nung November 12, 2011...at sasabihin ko sa inyo na totoo pala ang "love at first sight". Nung una kong makita ang anak ko, hindi sya gumagalaw at hindi din umiiyak. Kinabahan ako sa nakita ko, dahil first timer maging tatay...hindi ko alam ang gagawin ko.
Masarap at masaya pala ang maging magulang...sa ngayon dahil baby pa sya. Iniisip ko nga na sana e maging mabait na bata yung anak ko paglaki nya. Ayoko sana matulad sya sa mga nakikita kong bata ngayon na laman ng kalye, parang walang pakialam sa mundo. Kasi naman nung kabataan ko e hindi ko nakita yug sarii kong ganun ang gawin ko maghapon. Bata pa lang ako e tumutulong na ko sa masipag kong ina. Alam ko na ang resonsibilidad ko noon bilang anak at malaki ang pasasalamat ko sa mga magulang ko dahil pinalaki nila akong ganito...na basag ang pula, hehehehe. Joke lang.
Paano ko ba masasabing mabuti akong magulan kung ganitong first timer pa lang ako...=)
Siguro hindi naman masusukat yun kung nabibigay ko lahat ng gusto nya dahil nung p
Paano ba masasabing mabuti ang isang anak? Syempre parang sa skul lang din yan na may "grado" ang bawat kilos? Na halos batayan sya ng mga mata mo hanggang sa makatulog sya. Tapos antayin mo magising para bantayan ulit maghapon.
O sige, medyo nasiyahan na ko....next time ulit. Magandang araw!