Sunday, February 27, 2011

sa pagitan ng Langit at Lupa

Tanghali na ngayon ng maisipan kong magsulat, ewan ko ba kung bakit tumama na lang sa isip ko na magpost ng bago e samantalang ang tagal ko nang hindi nagsusulat. Ilang taon na din naman ang lumipas at eto, kasal na ko at ang masasabi ko lng e mahal na mahal ko ang asawa ko. Nagkabunga ang aming pagmamahalan ng isang napakagandang baby girl...si Cahj Xiana.

Ipinanganak sya nung November 12, 2011...at sasabihin ko sa inyo na totoo pala ang "love at first sight". Nung una kong makita ang anak ko, hindi sya gumagalaw at hindi din umiiyak. Kinabahan ako sa nakita ko, dahil first timer maging tatay...hindi ko alam ang gagawin ko.

Masarap at masaya pala ang maging magulang...sa ngayon dahil baby pa sya. Iniisip ko nga na sana e maging mabait na bata yung anak ko paglaki nya. Ayoko sana matulad sya sa mga nakikita kong bata ngayon na laman ng kalye, parang walang pakialam sa mundo. Kasi naman nung kabataan ko e hindi ko nakita yug sarii kong ganun ang gawin ko maghapon. Bata pa lang ako e tumutulong na ko sa masipag kong ina. Alam ko na ang resonsibilidad ko noon bilang anak at malaki ang pasasalamat ko sa mga magulang ko dahil pinalaki nila akong ganito...na basag ang pula, hehehehe. Joke lang.

Paano ko ba masasabing mabuti akong magulan kung ganitong first timer pa lang ako...=)
Siguro hindi naman masusukat yun kung nabibigay ko lahat ng gusto nya dahil nung panahon ko e hindi ako binilhan ng nanay ko ng "Family Computer". Dahil makakasira daw yun ng pagaaral. Baka daw kasi maghapon na lang kami maglaro kaya hindi ko na lang pinilit kasi nakikilaro ako sa kapitbahay namin pag-weekends. Solve na din ako, tipid pa sa kuryente..hehehe.

Paano ba masasabing mabuti ang isang anak? Syempre parang sa skul lang din yan na may "grado" ang bawat kilos? Na halos batayan sya ng mga mata mo hanggang sa makatulog sya. Tapos antayin mo magising para bantayan ulit maghapon.

O sige, medyo nasiyahan na ko....next time ulit. Magandang araw!

No comments:

Post a Comment