Wednesday, July 29, 2009

Taxi driver at Mirinda





Panibagong panahon nanaman sa pagsapit ng tag-init. Hindi nanaman mapigilan ang pawis na panay ang labas sa balat kong kalabaw na maya't maya ay pinupunasan ng panyong basang-basa na din sa pawis dahil nga sa madalas na paggamit dito. Hindi natin yun maiiwasan dahil tao tayo at normal na lamang sa ting lahat na meron tayong sweat glands na gumagana habang naiinitan tayo o kaya kapag kinakabahan... Pero naranasan mo na din malamang yung pagpawisan ng malagkit dahil sa hindi maintindihang nararamdaman sa tiyan na any time e pwedeng maglabas ng mabahong hangin o kung mas malala e mabahong bagay na pinaglipasan ng kinain sa maghapon. Hindi lahat ng tao sa mundo ay perpekto. Katulad ng nasabi ko kanina, hindi lahat ng tao naman ay pinagpapawian din. May sakit na tawag dun pero hindi ko alam ang tawag. Ang alam ko lang dun e hindi ka pagpapawisan kahit gaano pa kainit at gaano pa kalaki ang dinadala mong mabaho sa tiyan. Kita mo sa utot pa lang hindi na tayo perpekto dahil hindi maganda ang amoy nito. Nakakatawa nga lang kasi pag sa pampublikong lugar ka inabutan ng masamang hangin na galing sa south side ng katawan natin. Minsan nga may nasakyan kaming taxi habang papunta kami sa west avenue kung saan kakain kami ng hapunan. Medyo late na din yun kasi lagpas alas-dose na din yun. Pero ok lang kasi yung oras pa lang kami nakaramdam ng gutom. Binabaybay namin ang kahabaan ng kalye ng north Ave. Biglang nagkwento ang driver na kanina daw na medyo maaga e mataas ang baha sa harap ng SM. Dahil nga nung mahapon nun e ang lakas ng ulan. Sabi nya ay may umapaw daw na ilog sa QC. Nalaman ko yn pala yung nakwento kong umaapaw na ilog. Ang galing! Pagkatapos ng maikling kwento, bigla akong nakaamoy na hindi maganda na hindi dapat pinapaamoy sa pampublikong lugar na nasa pampublikong sasakyan na air conditioned at saradong saradong mga bibtana. Medyo natahimik ako at nakiramdam ng sandali. Malamang hindi naman sa akin yun kasi mararamdaman ko naman yun kung may ilalabas akong hangin sa exhaust fan ng katawan ko(wag kang tanga! lam mo kung ano yun!). Pagkatapos ng ilang segundong pakiramdaman namin sa loob ng taxi na sa bawat isip namin ay nagkakabintangan na kung sino ang salarin, biglang hininaan ng driver ang air-con. Hmm, kahinahinalang galaw yun di ba? Pero pwedeng nabahuan din sya sa naamoy nyang yun kaya minabuti nya na lang na hinaan para hindi na masyadong umalat ang nakakainis at nakakakabag na amoy! Magaling si manong driver dahil maganda an naisip nyang taktika! Kasi medyo sumaliwa ang bintang ko sa kanya. Bumaba na kami sa kakainan naming lugar at umalis na din ang kahina-hinalang driver. Sabay hirit ao nang tanong, "sino umutot sa iyo?" Lahat ng kasama ko ay tumangging umamin at sa tingin ko naman sa kanila ay hindi sila nagsisinungaling. Bigla na lang humirit ang isa na"amoy burger kaya!" sabay tawanan. Walang hiyang driver yun! Pinaamoy nya pa ata sa min yung minirienda nya! Pero at least hindi sya madamot... Pagdating naman sa pinoy, laging masisingit sa menu for the day ng isip nila ang merienda. Kahit na gabi na dumating ang bisita mo sa bahay, e aalukin ka pa din ng "merienda ka muna" sabay abot ng isang basong juice o di kaya e isang basong softdrinks. Kung swerte ka pa at may ulcer ka, hindi kamakakainom kung walang itutulak. Sa nabanggit kong mga kwento sa inyo sa mga nakaraang blog ko, meron kaming tindahan at meron namang bakery ang nanay ko. marami akong napapansin sa mga bumibili sa dalawang tindahan na nabanggit ko. Meron dyan magasabi ng "pabili nga po ng merienda!" Dahil parehas na nagbebenta ng mga kutkuting pang merienda, magiisip ka din na kung anong merienda yung gusto nya? Sa tagal ng palalarawan nang gusto nyang bilhin, malalaman mo din dahil ang tinutukoy nya pala ay yung softdrinks na MIRINDA! Isang letra ang dinagdag nya at nagiba na nang kahulugan. Nasaan ang mali dun? Nasa tao ba na nagbabasa o sa mga nagturo sa kanya? Pwedeng parehas dahil kung walag nagtatamang tao o tamang pagiisip tungkol sa produkto ay bale wala din pala lahat. Kung sa bagay ay hindi lang naman sya ang nagiisang ganun. Marami na rin akong narinig na kaparehas nya. Katulad ng madalas na nating naririnig na "pabili nga po ng colgate, yung close-up po!". At pagtinanong mo pa nang ung "ano ba talaga? Colgate o Close-up?", magagalit pa sya at sasabihing "sabi ko nga close-up"... kakainis lang/ kaw pa yung nagmukhang tanga. Marami pang nagkakamali dyan tulad ng "pabili nga po ng Pampers, ung Care o kaya E.Q.!" na dapat sabihing "diaper" imbes na "Pampers" dahil brand yun ng ibang diaper. Minsan gusto ko din sila itama pero parang hindi ako makakuha ng tsempo dahil baka mapahiya din sila sa ibang taong bumibili kaya hinahayaan ko na lang din. Eto pa ang isa, "meron po ba kayong Payless na Lucky Me?" Nakita mo ba yung mali? Kungpapakinggan mo sya e parang konyo kasi iningles nya pa yung "mura" na "Payless". Pero brand pa din yun ng ibang instant noodles na mabibili pa din hanggang ngayon. Kasi naman noon pa yung brand na yun. Siguro yun yung brand na unang nakilala ng mga ninuno nung bumili nun...hmmm. Napapangiti na lang ako ng palihim kasi nga naman e parang ang kulit pakinggan di ba? Hindi ako natatawa dahil mali sya, kakaiba lang kasi. Bwahahaha! Hindi pa dyan matatapos yan, katulad ng Chuckie( chocolate drink na gawa ng Nestle) na hihiritan ka ng bumibili ng "pabili nga ng Chuckie ( na ang pagkakabigkas nya ay Chuuuuki! Halos humaba na yung nguso nya na parang humihini ng kiss!)", "pabili ng po ng U2, yung apple ha tsaka malamig (sabay turo sa sa C2 red na nasa display freezer. Palibhasa yung letrang "C" sa bote e medyo nakatagilid kaya ewan ko kung panong basa ang ginagawa nila.)", "pabili nga ng lumpia,magkano?(pero ang tinuturo e hopia) Sabay kagat at maririnig mo pang sarap talaga ng lumpia!" Kelan nga lang ay may bumili ditong mama at sabi nya,"meron ba kayong "bread crunch"? habang sumisenyas pa yung mga daliri nya na parang may kinakapang buhangin! Sa pagkakaalam ko e "bread crumbs" yun. Yun bang durog na tinapay na ginagamit sa mga piniritong para maging "crunchy". Ayun! Malamang dun nya nakuha yung pangalan nun, oo nga naman..crunch. Kaya bread crunch. Marami pag iba katulad ng "pabili nga ng RJ" imbes na "RC" na softdrinks din. "Meron kayong Shellane na M-gas?", na alam nating ibang brand nanaman yun di ba? "Chicken breeding nga!", ano ba hinahanap nya? Yung mga lahi ng manok? Na dapat naman ay "breading". "Magkano sa Extra Joss?(na binibigkas na juice..hmm. Haba nguso din sya malamang)", "May Matador ba kayo na long nick?(di ba "long neck"? Bakit ang diin ng pagkakasabi na parang sinasakal nya yung leeg ng bote? Meron pa yung mga nakakalokong tanong tulad ng "may itlog ba kayo?" na hindi ko alam kung pano ko sasagutin!, "meron kayong mani? Yung happy?" na mas lalong mahirap sagutin para sa kin. San ka makakahanap na maayang mani? Sa Mabini at Quezon Ave. lng na alam kong lugar na makakakita nun, may free pang sakit! Alam ko na mas marami pa dyan bukod sa mga nabanggit ko. Kung baga sa kwento e hindi pa nalilipol lahat ng may ganitong klaseng sakit. Kasi para sa kin e sakit ito na nakakahawa at nakakaawa. Nakakahawa kasi kung araw-araw mo itong naririnig ay pwede mo na din makuha ang tono nila o mga pananalita sa dahilang pwedeng nangaasar ka lang o madali kang maimpluwensyahang tao. Nakakaawa kasi alam naman nating mali na yung mga salitang natutunan nila pero bihira lang ang taong sumusubok tumama ng kanilang pagkakamali. Kasi naman e halos kaibigan o kamag-anak lang ang madalas naglalakas ng loob na umunawa at sumubok itama ang mga pagkakamali nating mga tao. Sa bawat salita na binibitawan natin o sinusulat man, mabawaan man o madagdagan ng letra e iba na ang ibig sabihin. Tulad ng buhay ng tao, alisan mo o dagdagan ang mga nasa paligid nya, magiging iba na din ang kabuluhan ng buhay para sa kanya dahil iba pa din ang nakasanayan na. Sa mundo naman ng mga tsismosa, ang dagdag-bawas sa mga kwento ay natural na kaya wala akong pakialam, nangaasar lang ako...hehehehe. Sana minsan maisip natin na ang kakulangan ay sobra din. Sobra kasi nasosobrahan na ang kamangmangan ng ibang tao, ang alam ko dapat habang tumatagal ay tumatalino tayo dahil sa mga imbensyon para sa tao na gawa din tao. Pero parang tayo din ang may kasalanan kung bakit nagkukulang tayo. Kasi masyado na tayong kampante sa mga nangyayari sa tin. Minsan lang magmahal ang bawat tao, kaya ba nating ibigay ang kalahati ng pagmamahal natin sa kapwa natin? Siguro pagnangyari yun, maraming matutuwa...kasama na ang Diyos. Magandang araw...

No comments:

Post a Comment