Friday, July 17, 2009

Si Juan Tamad at si Juan Tanga


Paggising ko kanina e hindi ganong malamig at maliwanag na...sumikat na pala si pareng araw at nawala na din ang ulan. Pero paglabas ko, medyo may mga ulap na maitim sa di kalayuan. Mainit nanaman at malamang pawis an kalaban ngayong araw. Kumpara kahapon, ang lakas ng ula. Maaga ako nagiing at nagaabang ng balita dahil baka wala kaming pasok. Sayang kasi ang sarap humilata pagmalamig ang panahon. Kaya nakatutok ako a balita. Alas-otso ang pasok ko, pero alas-syete na at wala pang binabalita tungkol sa pagkansel ng skul namin. Halos lahat ng skul sa maynila ay nagkansela na pero ang sa min ay hindi pa. Tanging high school at elementarya pa lamang ang kinansel nila. Minabuti ko na lang na tawagan ang aming magaling na eskwelahan para ako na lan mismo ang makaalam. Dahil sa swerte ako, tinawagan ko. Sa kamalasan, walang sumasagot. Hindi na lang ako nagdalawan isip na maligo at magbihis para pumunta dun. Tutal malapit lang naman ang skul sa bahay namin, pwede akong umuwi kagad kung sakali mang makansela ang pagpasok namin. Dahil hindi ako sanay na may dalang payong, jacket na lang ang dinala ko panlaban sa ulan. Pero madilim talaga ang langit. Parang bigat na bigat na sya sa bitbit nya at gusto na nyang ibuhos sa ulo ng mga taong papasok. Habang naglalakad ako papuntang sakayan, sumasabay ang paglakas, unti-unti, dahan-dahan...pumara na lang ako kagad ng fx para makapunta na kagad sa pwedeng masilungan. Di nagtagal bumuhos na nga ang galit na galit na ulan. Sakto naman sa bababaan ko ay may mga tindahan na pwedeng masilungan. Nagpahinga lang ako konti at bumwelo....1...2...3....takbo! Direcho sa sakaya naman ng tricycle papuntang skul. Medyo natamaan ako ng mga patak pero ayus lang...hindi naman masaket. Sa pagbiyahe nang sinakyan ko papuntang skul, ang sabi ko ayus na at least nasa loob na ko ng tricycle. Pero habang umaandar, may napansin ako na nakadikit na maliit na sticker sa gilid ng bulok na tricycle. Ganito ang nakalagay: "Kailan mo ako kakausapin?" -Jesus- Bilib na bilib ako sa taong nakaisip nun. Biruin mo, napakaiksi nang nakasulat pero ag lakas ng epekto sa taong makakabasa nito. Pwera na nga lang kung tanga ka at walang pakialam sa mga paniniwalang relihiyon. Ang galing di ba? Nung nabasa ko yun ay hindi naman ako masyado naapektuhan dahil tuwing gabi,pagkatapos ng maghapon ko ayhindi ako nakakalimot na kausapin sya. Nagpapasalamat ako sa mga biyaya na binigay nya at ibibigay pa sa araw na yon. Humihingi din ako ng tawad sa mga kasalanan nagawa at magagawa ko. Pinagiingat ko din ang mga pamilya ko at mahal ko sa buhay. At paggising, nagpapasalamat dahil buhay pa ko at hindi ako naihi sa higaan ko(oi! nung bata pa ko nun...). Hindi ko na namalayan na malapit ala ako at wala palang trapala yung gilid ng tricycle...atun, basa ang kalahati ng short at sapatos ko nung pumasok. Ang nakakainis pa, baha pa sa mismong gate ng skul namin. Badtrip tong skul na to! Ang tagal ng problema ang baha na yan pero hindi pa rin masolusyunan! An taas naman ng sinisingil sa ming mga estudyante pero hindi magawa-gawa....bwiset! Pagpasok ko ay iilan lan di ang pumasok. Wala pa kami sa kalahate....yung mga andun e mga basa din sa ulan tulad ko. Tuloy pa rin ang klase..... Ewan ko ba kung tanga lang sila kasi alam naman nilang pwedeng may mangyaring hindi maganda kapag malakas ang ulan pero hindi n nila iniisip yun basta't may sweldo sila. Hindi kaya tamad sila kasi tanga sila o tanga sila kaya tamad sila? kaw na lang magisip nun dahil ma iisipin ko pa yung gustong makipagusap sa kin na may saysay....yung tinutukoy nung sticker....magandang araw.

No comments:

Post a Comment