


Sarap ng gising ko kanina dahil bkod sa umuulan, e nagalmusal ako ng itlog at danggit. Sarap di ba? Alam naman natin na isa yun sa mga masarap kainin sa malamig na umaga. Kasama na ang isang tasang mainit na kape. Masarap matulog talaga pagumuulan...paggising mo e pakiramdam mo parang nabugbog ka ng mga lasing sa sakit ng katawan mo. Siguro dahil matagal ka nang nakahiga kaya ganun ang pakiramdam. Pero ako minsan malungkot pag-umuulan. Ewan ko ba sa sarili ko, ano naiisip ko. Dahil kaya parang lumuluha ang langit at nakikisimpatya ako? Simula kong naramdaman ang lungkot na yun nung bata pa ako. Mahilig kasi akong sumilip sa bintana nung bahay namin. Habang naliligo sa ulan at naglalaro ang mga pinsan, ako naman e nagmumukmok sa amin. Hindi din kasi ako nasanay na naliligo nun sa ulan..pero isang beses nasubukan ko nun. Inaya ako ng lolo ko na maligo sa ulan. Sumama naman ako, pero malupit yung nangyari nun. Bumaha sa sobrang lakas ng ulan. Walang tigil yun simula umaga gang tanghali...kaya umapaw yung malapit na ilog sa min (sabi nila dati ilog yun, ngayong lumaki na ko nalaman ko kung ano yun. Hindi ilog kung di kanal!!!eeww!!!). Maraming nagsilutag na dalag at hito na hindi ko naman alam kung an galing yung mga yun. Sa taas nang baha, nagmistulang isla na lang ang bahay namin. Pasalamat na lang kami at may 2nd floor ang bahay namin. Malamang nasira na lahat nang gamit namin pagnagkataong wala. Nagtulong-tulong ang mga tito ko at lolo ko para maakyat lahat ng pwedeng masira ng baha. Habang kami naman ay nasa hagdan na lang dahil pinatigil na kami maligo sa ulan dahil nga bumaha na. Ang dami ko ngang nakitang lumulutang sa baha, may bubwit na pilit na lumalangoy hanggang sa malunod dahil wala na syang makapitan, mga balat ng kendi at junkfoods na mkang pamilyar sa ming magpipinsan(dun ko nga naisip na talagang bumabalik ang basurang tinatapon mo..), mga kahol at plastik na hindi nami alam kung san galing, mga tito naming lumutang lutang dahil naghahanap ng mga gamit namin na pwede pa masagip at kung anu-ano pa na hindi namin malaman dahil medyo malayo at mabaho(ano kaya yung lumulutang na mabaho?? eew ulet!) Hangggang sa tumigil na ung ulan at unti-unti nang nawala ang baha. Nakatulog na kami magpipinsan nun at paggising namin e parang walang nangyari. Bukod lang dun sa mga natirang tubig sa loob ng bahay at putik dahil sa mga nabasang lupa sa labas ng bahay. Yung mga tito ko nunnagaayos na nang mga gamit. Binabalik na nila sa dating pwesto yung mga inakyat nilang gamit. Hindi pa kami pinaglaro nun dahil nga sa maputik pa sa labas at baka daw magdumi lang kami. Pinalipas na lang namin ang gabing yun at pagkatapos maghapunan e natulog na kami. Kinabukasan umaambon nanaman at syempe masarap nanaman magalmusal dahil malamig ang panahon. Nagluto ang lola ko ng tuyo at piniritong itlog. Nagsangag din sya at sabay-sabay kami nagalmusal. Masaya yung umaga na yun kahit na umuulan ulit kasi nagkukwentuhan kaming lahat tungkol sa nangyaring baha kahapon at syempre may masarap na almusal. Nagpaplano nga nanaman sila kung ano gagawin nila pagbumaha ulet. Pagkatapos namin kumain, nagayos na ulet sila nang gamit dahil lumakas na naman yung ulan. At katulad nang inaasahan, umapaw nanaman ang tinatawag nilang "ilog" at parang boracay nanaman sa min. Pero ma mabilis na ang pagligpit nang mga gamit dahil alam na nila ang gagawin. May nagaabang palang surpresa sa ming magpipinan...abi ng lolo o may gagawin daw kami. Nagtaka kami at bakit may bitbit syang malaking styropor. Parang styro na pinaglagyan ng mansanas pero ung iang bahagi lang ang dala nya at isang malapad na kahoy na kamukha nung pamalo sa min ng nanay ko. Nagkatinginan kami magpipinsan at nagkatanungan...ano kaya yun? E wala namang lamang mansanas...para san yun? Sabay sabi n lolo ko,"o, isa-isa lang ha? Sino gusto mauna?" Syempre walang nagtaas ng kamay dahil hindi naman sya titser, at tsaka inisip namin baka gusto lang magpower trip ni lolo at naghahanap nang mapapalo sa ming magpipinsan. Dahil walang umimik, pumili a lang si lolo at ako ang mapalad o di kaya ay malas na napili. Napalunok ako, kinabahan dahil baka nga hatawin ako sa pwet ng kahoy habang naadapa sa styro. O kaya maglalarro kami nang labanan,gagawin kong panangga yung styro habang sya naman e may kahoy na espada. Lugi ako dahil depensa lang ang gagawin ko habang sya naman e hahatawin lang ako nang hahatawin hanggang sa tamaan...hehehe. Yun yung mga naglalaro sa isip ko habang papalapit ako sa lolo ko. Pero nagkamali ako, pinahawak nya sa kin yung kahoy na malapad na mukang pamalo ng nanay ko. Inisip ko baka binaligtad nya ang plano, baka akin ang espadang kahoy at kanya ang pananggang styro...pwede! Mas malaki ang tyansa ko na hindi masaktan. Pumorma na ko na parang gladiator at nagiisip na nag unang atake...nakatingin lang ang lolo ko sa kin na parang may pinaplano ding pagatake. Sabay abi nang...."hoy, ano pa ginagawa mo? Lumapit ka na dito at bilisan mo dahil marami pa kayo!" Kinabahan ako dahil baka naiinip na sya at gusto nya kameng talunin lahat gamit lang ang mahiwagang styro. Agad akon lumapit na puno nang alerto sa isi ko dahil hindi ko mabasa ang gagawin nyang atake. Paglapit ko mismo sa harap nya e bigla akong binuhat at nilapag ako sa styro na lumulutang baha...medyo natakot kasi umuuga yung styro kahit hawak nya sa magkabilang gilid. Teka, parang mali yung iniisip ko kanina ha? Gagawin pala naming bangka yung styro at sagwan naman yung kahoy....ang galing! Para na kamin pirata! Ang galing talaga nang lolo ko, nakapaglaro pa din kami sa baha! Lahat kami ay nakasakay sa bangka ni lolo at natapos ang maghapon namin ng masaya at pagod. Paggising namin ay may kasamang panghihinayang dahil sumikat na ang haring araw. Wala nang ulan, wala na ring aapaw na ilog, wala na ring baha, wala na ring lulutang na basurang piagkainan naming kendi at tsitsirya, walang styrong bangka.....kasabay na nang pangarap na makakasakay ulit ako sa syrong bangka ni lolo dahil nawala na din sya. Kasabay ngayon ng paglaki ko na imposible nang magkasya sa isang bangka na gawa sa styro. Malaki na din ako para sa laro. Tinuro lang ng lolo ko na pwede pa din maging masaya sa malaing unos. Ang isang problema ay kayang takpan ng maliit na kasiyahan. Basta marami lang ang nakapaligid sayo, kasama mo ang mga taong importante at mahal mo sa buhay, ayos na ang lahat. Habang ginagawa ko to, nayon ko lang naisip lahat kung bakit ako malunkot pagumuulan. Pero napapwi ng masarap ng almusal gaya ng tuyo at piniritong itlog.
No comments:
Post a Comment