Monday, July 13, 2009

pusacat


Galit na galit na ermats ko dahil dumadami na ung pusa sa mi. Ewan ba nila kasi ang dami nang nakatambay na pusa sa likod bakery nila mama. Kasi nga naman e madali din dumami ang pusa. Kung may naririig kang ngaw-ngaw ng pusa sa bubungan nyo pag gabi e yun na ang palatandaan na dadami na sila. Ok lng naman sana ang pusa kaso nga lang e para ka na ding ngampon ng tao sa takaw kumain. Pati yung mga nakatabing pagkain na hindi naman sa kanila e pagnaabot nila e touch move na! Kanila na yun ke magalit ka o hinde! Pati yung mga tindang tinapay nila mama sa bakery e pinupuntirya pa. Makakakita ka na lang ng kagat ng usa sa mga tinapay kaya nasasayang lang dahil itatapon na lang yun. Pero may napansin akong gamit nila sa buhay...kalaban sila nang daga! Oo, alam natin yun simula pa lang nauso na sila Tom en Jerry. Dahil nasa bakery na sila nakatira, malamang teritoryo nila dun at walan tumitirang "mabait"(daga) dun! Hehehe...wala akon nakikitang daga na pakalat-kalat dun. Kung meron man e malamang may sakit na sa puso yun dahil sa mga nagaabang na pusa sa loob at labas ng bakery! Ang galing di ba? Makikita mo na lang sila na pasabit-sabit dahil hindi na sila makababa sa takot. Pero nakita ko ang logic...kapag hindi sila nakababa, wala sila makukuhang pagkain. At pagnangyari yun, mamamatay sila sa gutom at yun na ang katapusan nila. Pero inis pa din ag ermats ko. Mas nakikita nya ang kiraan ng pusa a tindahan kesa sa maandang dulot nito sa pagtira sa min. Misan nga e nag-power trip yung ermats ko at pinalagay sa sako yun mga kuting para ipatapon...lumipas ang gabi at pagdating ng maga....Hala!!! andun na ulit sila! hehehe...matalino nga daw ang pusa pagdating sa mga daanan. Madali ila nakatatanda ng mga psikot-sikot dahil na din sa paggala nila sa mga bubong tuwing gabi. Nalalaman nila ung amoy g bahay nila. Tsaa pagjumebs ang pusa e mas malinis pa sa aso dahil ang pusa ay marunong maglibing nang sama ng loob nila. Yun nga lang talagang mabaho...hehehe. Kung susubukang ipunin ang 1 toneladang tae ng pusa at ipalaman sa misile e pwede nang panlaban a chemical war! Ganun kabaho....as in. Pero may natatanging pusa dun sa bakery na nakatawag ng pansin ko. Kulay orange na pusa na laging nakapwesto sa ilalim n estante ng tinapay. Ewan ko kung bakit ba gustong-gusto nya dun. Hindi naman sya nanungulimbat nang mga tinapay dun. Hanggang sa nalaman ko kung bakit..... Napatambay ako malapit dun sa estante a tinatambayan ng pusang ewan ko kung ano trip. Nakatayo lang ako nun nang biglang nanalmot yung pusa sa paa ko! Abay bwiset na yun at pinadugo pa yung hinlalaki ko sa paa! Pinagpapalo ko nga habangkumakaripas sya nang takbo. Yun pala ang trip nag pusang rugby....ang mangalmot! Hindi lang pala ako ang nakalmot nun, pati pala yung mga tindera sa bakery e nasampolan na nya sa paa din. Ayun at nalaman ko na din ang dahilan kung bakit sya andun kaya nanahmik na din ako at hindi na din ako tumambay malait a kanya at baka maisahan nanaman nya ko. Kagaya ng iba, nabntis din sya at nanganak ng madaming kuting. Naimbyerna nanaman ang nanay ko at balak nanaman ipa-salvage yung mga kuting. naisip ko....teka may tindahan nga pala kami...at maraming "mabait"(daga nga!) dun sa min. kelanga ko ng secret weapon.....kelangan ko ng PUSA! Kinahon ko na kagad yung isa at inuwi ko sa tindahan namin(hindi na yun sa bakery ha!) para maghasik ng lagim sa mga daga! Pagdating sa min ay pinakawalan ko na kagad ang kuting at agad na nagtago a sulok dahil takot na takot. Malamang nanibao kasi sya dahil wala na syang kasamang pusa, puro tao na lang. Hinayaan na lang muna namin sya dahil baka namamahay pa sya gang a mga ilang araw e nakikipaglaro na sya sa min. At dun e binigyan namin sya nang pinakamalupit na pangalan ng pusa na naisip namin....MUNING! Medyo ordinaryo ang pusang yun, kulay orange din na madalas kulay ng pusang gala. Medyo mahina sya kumain pero pagdating sa mga kalaban, astig sya! asama ko na sya nalilinis at sya ang bahala kung may tatakbong ubwit. Basta abangers lang sya...magaling! Para akong ngtrain ng tigre...hunter ang daing ni muning. Madalas na sya nakakahuli ng mabait na kalaban hanggang sa mapansin namin na kumukonte na ang mga dagang dati e ngpipyesta sa tindahan namin. Nakakatuwa na si muning. Mahilig din sya maglambing. Panay ang kuskos nya sa paa namin pero minsan e nakakainis na din dahil busy kami dito at wala pa kaming time makipaglaro. Mukhang naman nya din ang ugali ng nanay nya dahil mahilig syang tumambay sa estante namin at nangangalmot din. Pero iba sya, dahil sa kuting palang e parang naglalaro lang sya. Malambing ang mga kalmot nya, hehehe. Hindi nagtagal e napamahal na din sa min si muning dahil nga sa cute sya. Hanggang sa dumating ang araw na hindi namin inaasahan. Nawawala si muning! Hindi namin alam kung ano yung nangyari. Kasi pag magsasara kami e iniiwan namin sya sa tindahan na sinasara naman namin. Hindi ko naman namalayan kung nakalabas sya bago ko isara. Pero hindi naman sya katulad ng ibang pusa na gala dahil nga natatakot pa sya lumabas dahil may mga nakaabang na malalaking pusa sa labas. Baa mapatrobol lang sya. Lumipas ang mga araw at hindi na namin nakita talaga si muning. Naisip na lang namin na baka nakuha na lang yun nang mga dumadaang bata o aya ng mga intsik na gumagawa ng siopao. Ngayon anpalitan na namin si muning, kinuha ko yung kapatid nya na natira sa bakery. Ibang kulay at syempre....ibang pusa na din. Hindi ko maalis makumpara si muning sa bago. Parang mga politiko na pilit nagpapagalingan pero kaw dun ka pa rin sa subok mo na. Parang pagkain na uulit-ulitin mo dahil masarap kesa sa bagong labas na produkto. Parang buhay din ng tao na kahit anong mangyari e sa asawa ka pa din talaga babagsak dahil mas mahal mo sya kesa sa mga kabit mo. Kung pua nga e kaya tayong mahalin.....bakit hindi natin gawin sa kanila yung dapat. Ngayon ko lang naisip na sana nung nakiipalaro si muning e binigay ko na kahit yung maiksing oras na yun...........

No comments:

Post a Comment