Monday, July 13, 2009

Daga sa Squatter?

Medyo tinanghali na ko ng gising nun dahil sa pagod. Dumereho na ko kagad sa tindahan namin para magbukas. Sa araw-araw na buhay parehas lang ang ginagawa ko pagnagbubukas ng tindahan. magwawalis,maglalampaso, maglilinis at derecho na sa pagtinda. Kung may natira png pechay, masuwerte na may almusal ang mga alaga kong hamster. Kung wala naman e maglilibang na lang sila kakaakyat sa mga rehas ng kulungan nila hanggang sa mapagod, makatulog at makalimutan na ang gutom nila na nung gabi pa tinitiis(madalas na ata sila ngayon malipasan ng gutom dahil madala na lang sila nakatulala...).


May napasin din pala ako sa mga alaga kong hamster, pwede ko sila makumpara sa mga kapwa nating tao na nasa mababang
estado ng buhay(ung mga taong may bahay na gawa sa pira-pirasong kahoy, may gulong sa bubong at naglipana ang mga anak sa dami....alam mo na yun kung sino ang mga tinutukoy ko...).
Ang sinasabi ko ay yung mga tinatawag na "squatter". Yung mga hamster ko kasi ay hindi maseselan(hindi tulad ng ibang mga alagang hayop na parang sila na ang amo mo at parang ikaw yung alalay dahil mas mahal pa yung mga pagkain nila kesa sayo!!! Mga anak ng hayop talaga yang ma yan!!) Kasi naman kahit abutin na ko ng buwan bago magpalit ng kusot(ung mga retaso ng kahoy na pinagkiskisan) e ayos lang sa kanila! Parang ang dating e mas madumi, mas nakakatulog sila! ang tubig hindi problema dahil matagal din silang makaubos ng tubig. Sa pagkain naman e wala lalo sila talagang arte dahil kahit ano na mangangatngat e pwede, kahit papel, karton, mga tira-tirang gulay, buto ng kalabasa, mga prutas at kung ano-ano pa na pati kasama nila e kaya nilang ngatain(pucha dalawang hamster ko na ang namasaker sa loob ng kulungan at hanggang ngayon e wala
pa ring suspek! Walastik na yan, pati ba naman sa mundo g mga hayop e walang hustisya?? Kung sa bagay nasa pilipinas pa pala sila...hehehehe!).

Pero ngayon kasi nasanay na sila sa pechay dahil na din sa malapit kami

sa may palengke kaya yun na lang yung madalas na nabibili. Minsan nga e inutusan ko ung pamankin ko bumili ng pechay, natawa ako sa kwento nya sa usapan nila ng tindera. Ganito yun:

"Ate pabili nga po ng pechay."
"Magkano ba bibilhin mo?"
"Limang piso lang po, papakain ko lang po sa alaga ko?"
"Ano ba alaga mo?"
"Hamster po."
"O sige kunin mo na lahat to kasi mabubulok lang to dito."
Biglang sumingit sa usapan yung asawa...
"Ano ba gagawin nya dyan?"
"Papakain niya daw sa lobster!"

Bumalik yung pamangkin ko na nakangiti dahil naguwi sya ng halos kalahating sako ng pechay!
Ayus, pwede nang magsalad fiesta ang mga daga! Ilang araw din nila inubus ang sandamakmak na pechay..pero ok lang kasi araw-araw naman silang busog. Medyo matagal na din kasi nung huli sila nakakain ng mga mamahaling pagkain para sa mga hamster. Minsan din kasi e tagtuyot sila. Kapag nakakalimutan namin pakainin, binabawian naman namin kinabukasan. Pero may malupit akong nadiskubre sa mga hamster ko.
Past time pala nila ang sex! Oo, kung ano man yang madumi na nasa isip mo ngayon e yan nga yon. At 3 segundo lang bago maglabas ng semilya ang lalake simula ng pagtatalik. At eto pa ang malupet, pagkatapos nang unang barurot, iikot lang ang lalake at ame ulet. hanggang sa magsawa sila!
Astig di ba? Kung ganun lang siguro ang mga tao e baka umaapaw na tayo sa dami dito sa mundo. Nakakatawa pa nga yung lalaking hamster ko e, alam mo ba na kada tapos nya e parang hihimatayin pa ata? Hindi ko alam kung dahil ba sa sarap o dahil sa tuwa o di kaya e dahil nasamahan ng gutom..hehe!
Pagkatapos ng ilang buwan ay nanganak na sila. Meron kasi akong 2 pares ng hamster at pinangalanan ko sila ayon sa kulay nila.
Brownie, Whitey, Blackie at Pogi..yung huli kc maganda yung kulay, tri-color...kaya pogi. Nanganak na nga sila at halos magkasunod lang.
Parehas 6 na maliliit at mapupulang bubwit ang inilabas nila. Pero sa kasamaang palad e walang nabuhay ni isa sa mga anak nila. Isa isang namatay, bawat araw isa ang namamatay.


Sa obserbasyon ko, dahil siguro sa unang anak nila yun e wala pa silang kaalaman sa tamang pagpapalaki ng mga anak nila. Dahil ang hamster ay maliksi at malarong alaga, hindi nila
masyadong napapadede ang mga anak nila. At kung may balak ka magalaga ng hamster at gusto mo magpalahi ng madami nito,eto ang mga tatandaan mo:

1. Wag mong gugutumin ang nanay na hamster dahil pwede nyang kainin ang anak nya. Tandaan mo na maliit lng yun at bite size lang ang tingin nila dun pagnagutom.

2. Kapag nanganak na ang hamster mo, kelangan mong ihiwalay ang lalaki dahil mas masiba ang lalaking hamster, natural na sa kanila na kumain ng baby hamster sa hindi ko malaman na kadahilanan.
3. Wag hahawakan ang mga baby hamster dahil pwedeng magiba ang amoy nito. Pwedeng kainin na ito ng nanay or baka pabayaan na lang sa iang tabi dahil sa pagaakalang hinsi kanya yun dahil naiba na nga yung amoy.
4. Wag sanaying kumain ng mga karne or ano mang uri ng lamang hayop.
5. Laging palitan ang kusot kapag sa tinggin mo e madmi na ito.
6. Siguraduhin na laging ma supply ng tubig. Dahil uhawin ang hamster na nagpapadede ng anak.
7. Laging tignan kung maayos ang pagkakahiga ng nanay na hamster Siguraduhing wala syang nadadaganang ana dahil pwede itong mamatay.
8. Wag gigisingin o gugulatin kapag natutulog ang mga hamster mo dahil tatapang ito at mahihirapan kang hawakan dahil baka mangagat.
Sa ngayon e yun pa lang ang pwede kong i-share sa inyo. Nakuha mo ba kung bakit ko nakumpara ang hamster sa mga squatter?

No comments:

Post a Comment