
Panibagong panahon nanaman sa pagsapit ng tag-init. Hindi nanaman mapigilan ang pawis na panay ang labas sa balat kong kalabaw na maya't maya ay pinupunasan ng panyong basang-basa na din sa pawis dahil nga sa madalas na paggamit dito. Hindi natin yun maiiwasan dahil tao tayo at normal na lamang sa ting lahat na meron tayong sweat glands na gumagana habang naiinitan tayo o kaya kapag kinakabahan... Pero naranasan mo na din malamang yung pagpawisan ng malagkit dahil sa hindi maintindihang nararamdaman sa tiyan na any time e pwedeng maglabas ng mabahong hangin o kung mas malala e mabahong bagay na pinaglipasan ng kinain sa maghapon. Hindi lahat ng tao sa mundo ay perpekto. Katulad ng nasabi ko kanina, hindi lahat ng tao naman ay pinagpapawian din. May sakit na tawag dun pero hindi ko alam ang tawag. Ang alam ko lang dun e hindi ka pagpapawisan kahit gaano pa kainit at gaano pa kalaki ang dinadala mong mabaho sa tiyan. Kita mo sa utot pa lang hindi na tayo perpekto dahil hindi maganda ang amoy nito. Nakakatawa nga lang kasi pag sa pampublikong lugar ka inabutan ng masamang hangin na galing sa south side ng katawan natin. Minsan nga may nasakyan kaming taxi habang papunta kami sa west avenue kung saan kakain kami ng hapunan. Medyo late na din yun kasi lagpas alas-dose na din yun. Pero ok lang kasi yung oras pa lang kami nakaramdam ng gutom. Binabaybay namin ang kahabaan ng kalye ng north Ave. Biglang nagkwento ang driver na kanina daw na medyo maaga e mataas ang baha sa harap ng SM. Dahil nga nung mahapon nun e ang lakas ng ulan. Sabi nya ay may umapaw daw na ilog sa QC. Nalaman ko yn pala yung nakwento kong umaapaw na ilog. Ang galing! Pagkatapos ng maikling kwento, bigla akong nakaamoy na hindi maganda na hindi dapat pinapaamoy sa pampublikong lugar na nasa pampublikong sasakyan na air conditioned at saradong saradong mga bibtana. Medyo natahimik ako at nakiramdam ng sandali. Malamang hindi naman sa akin yun kasi mararamdaman ko naman yun kung may ilalabas akong hangin sa exhaust fan ng katawan ko(wag kang tanga! lam mo kung ano yun!). Pagkatapos ng ilang segundong pakiramdaman namin sa loob ng taxi na sa bawat isip namin ay nagkakabintangan na kung sino ang salarin, biglang hininaan ng driver ang air-con. Hmm, kahinahinalang galaw yun di ba? Pero pwedeng nabahuan din sya sa naamoy nyang yun kaya minabuti nya na lang na hinaan para hindi na masyadong umalat ang nakakainis at nakakakabag na amoy! Magaling si manong driver dahil maganda an naisip nyang taktika! Kasi medyo sumaliwa ang bintang ko sa kanya. Bumaba na kami sa kakainan naming lugar at umalis na din ang kahina-hinalang driver. Sabay hirit ao nang tanong, "sino umutot sa iyo?" Lahat ng kasama ko ay tumangging umamin at sa tingin ko naman sa kanila ay hindi sila nagsisinungaling. Bigla na lang humirit ang isa na"amoy burger kaya!" sabay tawanan. Walang hiyang driver yun! Pinaamoy nya pa ata sa min yung minirienda nya! Pero at least hindi sya madamot... Pagdating naman sa pinoy, laging masisingit sa menu for the day ng isip nila ang merienda. Kahit na gabi na dumating ang bisita mo sa bahay, e aalukin ka pa din ng "merienda ka muna" sabay abot ng isang basong juice o di kaya e isang basong softdrinks. Kung swerte ka pa at may ulcer ka, hindi kamakakainom kung walang itutulak. Sa nabanggit kong mga kwento sa inyo sa mga nakaraang blog ko, meron kaming tindahan at meron namang bakery ang nanay ko. marami akong napapansin sa mga bumibili sa dalawang tindahan na nabanggit ko. Meron dyan magasabi ng "pabili nga po ng merienda!" Dahil parehas na nagbebenta ng mga kutkuting pang merienda, magiisip ka din na kung anong merienda yung gusto nya? Sa tagal ng palalarawan nang gusto nyang bilhin, malalaman mo din dahil ang tinutukoy nya pala ay yung softdrinks na MIRINDA!


